
Ipinanganak sa Ilocos Sur at ikinasal kay Diego Silang, si Gabriela Silang ay ang unang bayaning babae ng bansa. Nang namatay ang kanyang asawa noong 1763, si Gabriela ay tinuloy ang rebelyon na iniwan ng kanyang asawa. Sa una, wala sa kanilang mga lalaki ang nagpresenta na ituloy ang rebelyon, nawalan sila ng pag-asa at kalooban na ipagpatuloy ang laban. Ngunit, naging matatag si Gabriela na ituloy ang laban nila kahit na siya pa ang nawalan ng asawa. Ipinaalam niya sa kanyang komunidad ang layunin ng rebelyon at hinikayat niya ang mga tao na sumali laban sa mga Kastila. Dahil sa kanyang galing at taktika, lubha nilang natalo ang mga Kastila.
Noong nasa mababang paaralan pa lang ako, magpapakatotoo ako at sasabihin kong halos wala talaga akong naaalala kay Gabriela Silang o kahit sino mang babaeng bayani sa Pilipinas. Hindi ko alam kung ulyanin lang talaga ako o bobo, pero napakaonti lang ang naaalala ko tungkol sa kanila. Kung hindi dahil sa artikulong ito, siguro ay hindi ko naman talaga sila hahanapin sa Internet. At nakakalungkot nito sabihin dahil itong mga babaeng ito ay dapat bigyan ng mas malaking importansya at parangal. Hindi lang sila Joze Rizal, Andres Bonifacio at Lapu-Lapu ang karapat-dapat na madalas pag-aralan at i-idolize ng mga Pilipino. Si Gabriela Silang ay dapat din nating bigyang pansin dahil sa inspirasyon at katapangan na kanyang ipinamalas sa panahon ng labanan at rebolusyon sa ating bansa.
- Kim Alivia
click on photos for sources